Miyerkules, Setyembre 17, 2014

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay

Kategorya
Higit na Inaasahan
(5)
Nakamit ang Inaasahan
(4)
Bahagyang Nakamit ang Inaasahan
(3)
Hindi Nakamit ang Inaasahan
(2)
Walang Napatunayan
(1)
Iskor
Introduksyon
Nakapanghihikayat ang introduksyon. Malinaw na nakalahad ang pangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.
Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.
Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa subalit hindi sapat ang pagpapaliwanag ukol dito.
Hindi malinaw ang introduksyon at ang pangunahing paksa. Hindi rin nakalahad ang panlahat na pagpapaliwanag ukol dito.
*Hindi nakita sa ginawang sanaysay.

Diskusyon
Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na pagpapaliwanag at pagtalakay tungkol sa paksa.
Bawat talata ay may sapat na detalye
May kakulangan sa detalye
Hindi nadebelop ang mga pangunahing ideya
*

Organisasyon ng mga Ideya
Lohikal at mahusay ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya; gumamit din ng mga transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya.
Naipakita ang debelopment ng mga talata subalit hindi makinis ang pagkakalahad
Lohikal ang pagkakaayos ng mga talata subalit ang mga ideya ay hindi ganap na nadebelop.
Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay.
*

Konklusyon
Nakapanghahamon ang konklusyon at naipapakita ang pangkalahatang palagay o paksa batay sa katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.
Naipakikita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.
Hindi ganap na naipakita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.
May kakulangan at walang pokus ang konklusyon
*

Mekaniks
Walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.
Halos walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.
Maraming pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.
Napakarami at nakagugulo ang mga pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.


Gamit
Walang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.
Halos walang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.
Maraming pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.
Napakarami at nakagugulo ang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.
*

Kabuuan



Hango sa:
Badayos, P.B. etal.2007.Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Valenzuela City: Mutya Publishing House,Inc.


6 (na) komento:

  1. pwede paki post po ng halimbawa ng rubriks sa malikhaing pagsulat... salamat po

    TumugonBurahin
  2. Maraming salamat sa materyal na ito. Malaking tulong po sa pagtuturo ito.

    TumugonBurahin
  3. Pwde po ba itong kopyahin? malaking tulong po kasi..

    TumugonBurahin
  4. MARAMING SALAMAT SA MATERYAL NA ITO.

    TumugonBurahin
  5. Pwedi po bang malaman Ang sagot at nilalaman nito pa tulong po marameng salamat po

    TumugonBurahin