Miyerkules, Setyembre 17, 2014

Sulating-ulat sa FIL 18BS DULAANG FILIPINO

PANPACIFIC UNIVERSITY NORTH PHILIPPINES
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Urdaneta City, Pangasinan


Mga Taga-pag-ulat:              PADILLA, Kimberly Marie C.
Kurso/Taon:                          BSE IV – Filipino
Instraktor:                              Bb. Rosamie P. Cabural
Paksa:                                     Pagkakaunlad at Sulyap sa Nilalaman
( Panahon ng Katutubo at Panahon ng Kastila)


Sulating-ulat sa FIL 18BS DULAANG FILIPINO

Panimula      
            DULANG FILIPINO

Sa kahulugan ng makabagong dula, masasabing hindi na dula ang mga sinaunang ritwal ang ating maipakahulugan. Wala itong mahahalagang elemento ng tunay na dula gaya ng tunggalian, pangunahing tauhan at kaisahan ng panahon, lugar at mga pangyayari.

Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula,nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring malungkot,masaya,mapagbiro, masalimuot at iba pa.
Nilalaman

I.                   Panahon ng Katutubo

Ø  Ang mimesis, na siyang pinakakaluluwa ng drama ay makikita sa mga ritwal ng katutubo. Ang mga ritwal na ito’y isinasagawa ng mga baylan ng panahong iyon. Ang klasikal na ideya ng impersonasyon ay mababanaag kapag sumasamba sila sa mga anito, o dili kaya’y sa isang mahikero (magician) na pinaniniwalaang nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan.
Ø  Ang mga baylan ay itinuturing na pinakamakapangyarihan sa tribo. Nakahihigit ang kanilang talino kung kayat nakasusulat sila ng mga bulong at nakalilikha ng awit at sayaw. Kadalasan sila ay nakasuot babae, dahil dito sila’y maaaring mapagkamalang babae.
Ø  Bukod sa baylan, nang mga panahong iyon ay mayroon ding tinatawag na katalonan. Ang mga ito’y nagpapanggap na mangkukulam. At dahil paniwalang-paniwala ang mga tao sa kanila, kung kaya’t ang kliyente ay nabubutas ang bulsa.
Ø  Ang mga manganawa ay nagkukunwaring nakapagpapagaling ng mga maysakit sa pamamagitan ng mga kung anu-anong gamot. Naririyan ang mangyisalat na nakapagbibigay ng kapangyarihan at kalutasan sa mga magsing-irog o mag-asawa.
Ø  Ang mga mangcocolam na pinaniniwalaang nakakagawa ng apoy sa kanilang katawan at ang may-ari ng bahay na mababagsakan nito’y magkaka-sakit at mamamatay.
Ø  Ang mga hokloban sa pamamagitan ng pagtuturo ay maaaring mamatay ang gustong patayin. Kaya nilang pagalingin ang isang taong nagkasakit, na sila rin ang may kagagawan.
Ø  Ang mga silagan, kapag nakakita sila ng taong nakasuot ng puti ay kanilang dinudukot ang atay at kinakain.

Ø  Ang mga mananaggal, na nahahati ang katawan. Ang ibabang bahagi ay nananatili sa lupa kaya’t kung makikita ay naglalakad ng walang katawan. Ang itaas na bahagi ay lumilipad at naghahanap ng mga binti na mabibiktima upang may panlaman tiyan. Muling bumabalik sa kalahating katawan bago sumapit ang umaga.
Ø  Ang mga aswang ay nakalilipad sa gabi, pumapatay ng tao at kinakain ang laman.
Ø  Ang manggagayuma, sa pamamagitan ng mga bato, dahon, o kahoy ay napapaibig ang isang tao.

Narito naman ang ilan sa mga dulang isinasagawa noong panahon ng ating mga ninuno:

  1. Bikal at Balak
Ang bikal ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki. ang mga mang-aawit ay magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng silid, habang nasa gitna ang mga manonood. Sa mga berso ng awit ay nagtatalo ang dalawa at hinahalungkat ang mga kasiraan o kapangitan ng bawat isa. Sa ganitong pagkakataon, lalong nag-iinit ang pagtatalo dahil ang mga manonood ay may kanya-kanyang kakampi.

            Ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng isang dalaga’t binata sa pamamagitan ng awit na umiindayog at matalinghaga. May mga pagkakataong gumagamit ang dalawa ng kudyapi. Sa pamamagitan ng tugtugin ng kudyapi ay naipararating ng bawat isa ang kani-kanilang niloloob at damdamin.

  1. Bayok o Embayoka
Ito’y isang pagtatalong patula ng mga Maranaw na nilalahukan ng isang lalaki at isang babae na binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos ng palabas. Ang mga kasali rito ay dapat na mahusay sa berso sapagkat ang kunting pagkakamali sa pagkakamit o pagpili ng salita ay maaaring humantong sa mainitang sagutan. Sa ganitong pagkakataon, ito ay maaaring maging dahilan ng pag-aaway ng mga pami-pamilya.

  1. Kasayatan
Kadalasan, ang bayok ay sinusundan ng isang laro ng panyo na tinatawag na kasayatan. Ito ay sinasalihan ng mga dalaga’t binata at nahahati sa dalawang pangkat. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may-ari ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may-ari ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang.

Ang maybahay ay hihingi ng pahintulot na pasimulan na ang sayaw. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng patula. Pagkatapos sumagot ng mga panauhin ay sisimulan niya ang pakikipag-usap sa mga binata habang sumasayaw sa paligid ng mga iyon. Ipapatong niya sa balikat ng isang binata ang isang panyo. Pagkatapos ay tutungo naman siya sa grupo ng mga babae at ipapatong ang isa pang panyo sa isa sa kanila. Ang sayaw ay sinasaliwan ng mga instrumentong kudyapi, kulintang, agong at kubing. Ang kanilang mga kilos ay waring naglalarawan ng kanilang mga ninuno.

  1. Dallot
Sa mga Ilokano ito’y awit ng pag-ibig. Ang lalaki ay tutula at nagpapahayag ng pag-ibig at ito’y sasagutin ng babae nang patula. Pagkatapos ay aawitin nila ang tula sa saliw ng kutibeng, gitara ng mga Ilokano. Ito’y itinatanghal kapag may binyag, kasalan o handaan.

            Habang nag-aawitan ang dalaga’t binata ay pinapasa ang oasi, isang uri ng alak. Kapag ang babae ay tinanggap ang pag-ibig na iniluluhog ay ihahayag at itatakda ng mga magulang ang kasal.

            Ang pagbabayo ng palay ay mahalagang bahagi habang itinatakda ang kasal. Ito ay ginagawa sa saliw ng awit na Pamulinawen habang ang mga tao’y nagsasayawan.

            Gayundin, ang pagbibigay ng datos (dowry) ay bahagi ng kasalan.

  1. Dung-Aw

Ang tradisyong Dung-aw ng mga Ilokano ay isang tulang panambitan na binibigkas sa piling ng bangkay ng anak, asawa o magulang. Ang berso ay nagsasalaysay ng paghihinagpis ng naulila at paghingi ng kapatawaran sa nagawang kasalanan o pagkakamali sa namatay.

            Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Dung-aw na sipi sa aklat nina Natividad, Simbulan at Academia.

            Ako’y kaawaan o aking kapatid
ako’y kaawaan o aking asawa
ikaw namatay o aking kapatid
ikaw namatay o aking asawa
ano ang natira’t sa akin naiwan
sa abang buhay kong walang kapalaran?
Ang lahat sa akin ay nakalilimot
pagkat parang sanggol sa iyo umiirog
ang mga mata ko pugto sa luha
ang abang puso ko babad sa luha.

  1. Hugas-Kalawang
Isang tradisyon ng mga taga-gitnang Luzon. Isinasagawa ito pagkaraan ng pagtatanim ng palay, ang mga magsasaka ay gumawa ng damara sa tumana o sa taniman. Naghahandog ng premyo ang may-ari ng lupa para sa pinakamabilis magtanim. Pagkatapos ng pagtatanim, sila ay naghuhugas ng kamay at susundan ito ng kainan at magkakasayahan habang nagkakantahan, nagsasayawan, nagkukuwentuhan at nagtutuk-suhan.

Ang hugas-kalawang ay nagtataglay rin ng mimesis sapagkat ang mga gumaganap dito ay mga magsasaka at may-ari ng lupa.

  1. Dalling-Dalling
Ang dalling-daliing ay isang tradisyonal na anyo ng dula ng mga Tausug sa Sulu. Nangangahulugang “Mahal Ko”, ang dalling-dalling ay isang ritwal na nag-aanyaya sa mga manonood na umawit habang ang magsing-irog ay sumasayaw.

Ang lalaki’t babae ay nagliligawan sa pamamagitan ng pag-awit ng kanilang mga niloloob. Kadalasan, ang mga manonood ay kumakanta rin nang may himig na panunudyo

II.                Panahon ng Kastila

Dulang Panlansangan

Ø  Dulang SENAKULODula Noong Panahon ng mga Espanyol Panlansangan isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.

Ø  Dula Noong Panahon ng mga Espanyol TIBAG pagsasadula ng paghahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino sa krus na pinagpakuan kay Hesus.Ginaganap ito tuwing Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan, NuevaEcija, Bataan, Rizal.

Ø  PANUNULUYAN Dula Noong Panahon ng mga Espanyol - prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay tungkol sa paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo.

Dulang Pantanghalan
Ø  KARILYO Dula Noong Panahon ng mga Espanyol dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang karton. Pinapagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan.Ang mga taong nagsasalita ay nasa likod ng telon. Madilim kung palabasin ito sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao ay kanilang mga anino.

Ø  MORO-MORO Dula Noong Panahon ng mga Espanyol 1. Dulang Panlansangan - isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
Konklusyon

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ngating tradision. Mga tradisyong nagbibigay ng identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ngmga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mgamandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhayang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

Mga Sanggunian

Arrogante, Jose A. 1991. Mapanuring Pag-aaral ng Panitiikang Filipino. Manila City: National Book Store, Inc.

Belvez, Paz M. et. al. 1994. Wika at Panitikan. Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
Kahayon, Alicia H. at Celia A. Zulueta. 2000. Philippine Literature Through The Years. Mandaluyong City: National Book Store.

Macaraig, Milagros B. 2004. Sulyap Sa Panulaang Filipino. Quezon City: Rex Book Store, Inc.
Sauco, Consolacion P. at Dionisio S. Salazar. 1987. Sulyap sa Dulaang Tagalog. Manila City: National Book Store, Inc.

Sebastian, Federico B. 1951. ANG DULAANG TAGALOG. Quezon City: Bede’s Publishing House Inc.





7 komento:

  1. Maraming salamat po ate. Binigay ito bilang takdang aralin sa aming klase sa filipino :D

    TumugonBurahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  3. Thank God Almighty for this post. I couldve failed my homework.

    TumugonBurahin
  4. Sobrang tumulog po ito sa klase namin para sa Filipino! Bless you po! Icite ko po ito gamit ang APA sa aking homework.

    TumugonBurahin
  5. Maraming maraming salamat! Mabuhay po kayo!

    TumugonBurahin
  6. maraming salamat po report po namin ito bukas dahil po dito nalinawan ako God bless po

    TumugonBurahin
  7. Maraming salamat sa pamamahagi ng impormasyon!

    TumugonBurahin