KABANATA I
Introduksyon
Ang
pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyante ng Panpacipic University North Philippines na may
mga kahirapang hinaharap sa pagsusulit. Ang
kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay, personalidad, at kaganapan, sa ating
kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay tumatalakay sa isang
simpleng bagay, ito pa rin ay binibigyang importansya. Kadalasan, ang mga
nakakalap nating impormasyon ay nag-mumula sa mga libro, dyaryo, telebisyon,
radyo, at mga sulating pananaliksik tulad na lamang nito.
Ang sulating pananaliksik, ay
isinasagawa upang bigyang patunay at palawakin ang isang napiling paksa.Sa
ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa at
natututo sa nasabing paksa. Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama
ang ilang paksa, kung saan ang nalalaman lamang ng mga tao tungkol dito ay mga
malingsabi-sabi lamang. Ang sulating pananaliksik na ito ay may layuning
bigyang kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga suliranin ng isang estudyante
sa kanyang pag-aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik na ito ang mga kaalaman
tungkol sa ilang suliranin ng mga estudyante.Ang pananaliksik at
pagtuturo ay isang prosesong paghahalili ng mga kaalaman dinay nangangailangan
ng bahagi ng pag-ebalwasyon na kung saan ito ay bahagi o isang paraan upang
makamit ang pagkatuto.
Sa
ating institusyon, mga kabataan ang siyang may malaking ambag sa paghubog ngating
bayan. Upang makamit ito, edukasyonang tunay na solusyon. Edukasyon ang siyang
babago at magmumulat pa sa mas malawak na kaalaman, ang siyang huhubog sa
kabataang kapaki-pakinabang at maging ganap at mahusay na tagapagturo
salipunan.Ang isang pagsusulit ay malaking bahagi ng edukasyon,ginagampanan
nito ang paghubog ng kakayahan ng isang mag-aaral. Isa rin itong kasangkapan o
kagamitan sa pag-aaral upang malaman ang kalidad ng pagtuturo ng isang guro.
Ang pagsusulit (mga test paper) ay inihahanda ng mga guro na siyang susuri at susubok
naman sa kakayahan ng kanilang mga estudyante.
Maraming uri ang pagsusulit na siyang
ginagamit ng mga guro upang suriin at alamin ang kakayahan ng isang estudyante,
nariyan ang pagsusulit na true or false o pagsusulit na tam o mali. Ang
pagsusulit na tama o mali ay isang uring papalit na pagsusulit na dalawa lamang
ang pamimilian ng gumaganap.
Pinakapayak
at pinakamarami ang anyo ay ang wasto-mali at oo-hindi. Tiyak na nag-aanyaya sa
panghuhula. May modified na anyo ito, iyong ipatukoy ang bahaging mali, kung
mali nga ang pangungusap. Dili kaya’y sagutin nang sang-ayon o hindi sang-ayon
at kung ang sagot ay hindi sang-ayon, ipabago ang salita o bahagi ng
pangungusap upang maging sang-ayon o tama ang sagot.
Mayroon
ding pagsusulit sa pakikinig, napakahirap para sa isang mag-aaral ng pangalawa
o banyagang wika ang pakikinig sa mahabang salaysay o usapan, maaaring ang mga
pagsusulit sa pakikinig para sa mga unang yugto ng pag-aaral ay maikling
pahayag o usapan na binubuo ng dalawa o tatlong linya.
Ang unang hakbang sa pagpapalawak ng
kaalaman ay ang pagtanggap sa sarili niya na siya’y may mga pasusulit na
nararapat naharapin.(Cecil)
Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga
impormasyong nakalap namin sa internet at libro na aming nabasa. Makikita din
sa pananaliksik na ito ang mga nailahad na iba’t-ibang uri at katangian ng
pagsusulit. Sinasagot din sa pananaliksik na ito kung bakit at kung papano nga
ba nahihirapan ang isang mag-aaral sapagsusulit. Binibigyang diin din sa
pananaliksik na ito ang kahalagahan ng pangangalap ng datos na bunga ng
pananaliksik at iba pang mga paraan ng pananaliksik.
Makipag-usap ng masinsinan at maramihan sa
mga palaisip, gaya ng isang mabuting mananaliksik upang maragdagan pa ang
kabatirang nakukuha sa pangangalap ng datos at impormasyon. (Jose Villa Panganiban)
Sa ganito’y maaring masabing hindi naaksaya
ang panahong ikinapalad nating ikabuhay, gawing makahulugan ang bawat buhay,
galaw at kilos sa mundo. (Batubalani)
Sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, walang makakaligtaang proyekto o takdang aralin
sa pagkatalamngestudyanteng masipag mag-aralang kanyang mga prioridad, mga dapat
at hindi dapat gawin, at ang mga mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.
Mahalaga na sa kahit anumang edad ay patuloy parin ang ating pag-aaral ngiba't-ibang
bagay na makakatulong para lumago at umunlad ang ating kabuhayan. Ito ay hindi lamang
sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho – kundi maging sa kalagayan ng pagsasama
ng mga miyembro ng pamilya o kaya'y sa pagpapatakbo ng buhay, aspetong sosyal,
pangkultura, pampolitika o kaya'y pangkabuhayan o pinansyal.
Inihahalintulad
din ng mananaliksik ang oras sa pera, na napakahalaga at konti lamang sabi lang.
Kung gugugulin lamang ang oras sa walang saysay na mga gawain ay masasayang lamang
ang panahon na sana ay nagamit sa paggawa ng mas importanteng mga bagay tulad ng
mga takdang aralin, proyekto, o pag-aaral para sa mga pagsusulit. Kailangan ay
alam ng mga estudyante kung paano gugugulin
ng wasto ang kanilang oras upang maiwasan ang pagkakaroon ng mababang iskor sa pagsusulit.
Narito
pa ang ilang ideya tungkol sa pananaliksik mula sa pagsusulit. Mula pa noong
panahon ng ating Panginoon mayroon ng mga pagsusulit na nagganap na siyang
ganoon ding nagaganap sa kasalukuyang panahon. Sa ating pang araw-araw na buhay
ay napakarami ng pagsusulit na nagaganap at nararanasan.
Sa
eskwelahan na siyang may kalahating pursyento sa ating buhay, ang mga
pagsusulit na ito ang nagpapatatag sa atin sa pang araw-araw at nagbibigay
kaalaman sa mga panahon na gugulin pa natin sa mundong ito habang tayo’y
nabubuhay.
Kung
tayo ay pagsusulitin sa mga ibinigay na talino, talento o mga
"ipinahiram" sa atin na mga katangian ng Panginoon, makapagsusulit ba
tayo nang maigi? Paano at saan natin ginamit ang mga "pahiram" sa
atin ng Diyos? Napayaman ba natin o nagkaroon ba ito ng "tubo" ayon
sa inaasahan sa atin ng Panginoon?
Kaya
naman nararapat lamang na ang bawat talino at talento na ibinigay sa atin ng
Panginoon ay gamitin natin sa makabuluhang bagay. Ang kanyang mga pinahiram na
katangian sa atin ay bigyang halaga habang maaga pa dahil tayo’y walang
kaalaman sa pagsusulit na handa niyang ibigay sa panahong di natin inaakala.
Ating tandaan na ang bawat pagsusulit ay may kawangis na aral at na dapat
matutunan. Mga bagay na siyang magpapatibay sa atin.
Maituturing
na maunlad na nga ang isang indibidwal kung ito ay nagagamit nito ang kanyang
kaalaman sa pag- unlad ng kabihasnan. Isa sa tinuturing na maunlad sa
kasalukuyan ay ang ang pamayanan ng paaralan. Ang pananaliksik na ito ay
isasagawa upang makatulong sa mga mag-aaral na may kahirapan sa pagsusulit sa
kanilang mga asignatura.
Bakgrawnd ng Pag-aaral
Ang
pananaliksik na ito ay pinamagatang Mga kahirapang hinaharap sa pagsusulit ng
mga mag-aaral na nasa unang lebel ng tertiarya sa Panpacific University North Philippes.
Ang mga katulong sa pagbuo ng pananaliksik na ito ay ang mga estudyanteng
kumukuha nag-aaral sa Panpacific University North Philippines. Sila’y may
bilang na 50 katao. Karamihan sa kanila ay may edad na labing-walong taong
gulang hanggang labindalawang taong-gulang.
Ang mga
pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay:
1.
Mahikayat ang mga kabataang gumawa ng mga bagay na nakakabutisa kanila sa
pag-aaral sa loob man o labas ng paaralan.
2. Maging
mapili sa lipunang papasukan dahil maaringmakaimpluwensiya ito sa mga kabataan
na nag-aaral. Maaring angmga impluwensya na ito ay masama o makakabuti.Ang mga
tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay:
A.Malimitahan
ng mga mag-aaral ang ibang bagay sa pag-aaral satamang oras.
B.Mamulat
ang kanilang (mga mag-aaral) mga mata sa mga maaaringmasamang maidulot ng mga
bagay, kaibigan, lipunan, at marami pang-iba sa kanilang pag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang
tiyakin at tugunan ang kanilang pangangailangan. Ang pananaliksik na itoo ay
higit na makatutulong sa mga mag-aaral na may mga kahirapan sa kanilang
pagsusulit. Makatutulong din ito sa mga guro upang lalong mapabuti ang kanilang
stratehiya sa pagtuturo. Layunin din
nitong mabigyan ng tiyak na kasagutan at ang mga sumusunod.
1. Ano ang
pagkakakilanlan ng respondante.
a.Edad
b.Kasarian
c.Katayuan sa buhay
d.Kurso
2. Ano ang
mga kadahilanan sa pagkuha ng kursong napili?
3. Anong kadahilanan
sa pagpili o pag-aaral sa Panpacific University North Philippines?
4. Ano-anong
asignatura nagkakaroon ng kahirapan sa pagsusulit?
5. Anong
kadahilanan nahihirapan sa pagsusulit?
Isa sa mga
posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat ang mga estudyante na
mag-aral ng mabuti. Mahalagang malaman din nila ang ilang mga kasagutan nila
katulad ng:
Ano nga ba
ang pag-aaral?
Ano ang
kahalagahan ng pag-aaral?
Paano ko
masisimulan muli ang mabuting pag-aaral?
Paano ko
maipapasa ang aking pagsusulit?
Anu-anong
mga bagay ang nararapat kong gawin para hindi na bumagsak ang pagsusulit ko?
Ilan lamang
yan sa mga posibleng masagot ng pananaliksik na ito. Ang isa pang posibleng
kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang mahubog ang mga mag-aaral na
panatilihing maging maayos ang kanilang pag-aaral.Paano natututo ang mga
mag-aaral? Ang kasagutan dito ang titiyak kung paano dapat ihanda ang kaligiran
para sa pagtuturo at pagkatuto at ito rin ang magtatakda kung anong uri ng mga
gawain ang dapat na ilaan sa mga mag-aaral. Marami nang mga pagpapaliwanag ang ating
nabasa hinggil sa kung paano natututo ng husto ang isang mag-aaral. Ngunit
halos magkakaiba at minsan ay nagsasalungatan pa ang mga ito sa isa‘t isa.
Isang kampo ang naniniwala na ang pagkatuto raw mula sa pagsusulit ay isang
likas na kakayahan; may naniniwala naman na ang pagkatuto sa isang pagsusulit
ay bunga ng pagsisiskap.
Teoritikal/Konseptwal na Sandigan
Ang
konseptwal framework ng pag-aaral na ito ay nagpapamalas sa pagitan ng
kasarinlan at pagbabago o pagiba-iba tungo sa pag-aaral.
Ang pananaliksik
na ito ay kakikitaan sa pagiba-iba ng pagkatao at pansariling mga tugon ng
respondante, kasarian, talumpati ng mga tumugon, mga kadahilanan sa pagkuha ng
kanilang mga kurso, kadahilanan sa pagpili o pag-aaral sa Panpacific University
North Philippines at kadahilanan ng pagpupursige sa pag-aaral.
Personal
na Pagkakakilanlan
·
Pangalan
·
Edad
·
Kurso
·
Paaralan
·
Kasarian
|
|
Mga
Dahilan sa
Kahirapan
sa
Pagsusulit
|
Tugon
|
Kahalagahan
ng Pag-aaral
Naniniwala
ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito samga mag-aaral upang
magsilbing gabay ang mga kinalalabasan ng pananaliksikna ito, at makapagbibigay
ng mga kaalaman sa mga guro at mag-aaral namauunawaan ang kahalagahan ng
pagsusulit sa bawat asignatura, at para mapalawak ang pag-unawasa bawat isa na
ginagampanan ng pinakamahalagang papel ng wikang sa pagsusuit sa buhay ng tao o
isang mag-aaral. Makatutulong din ang maga ito sa mga guro at tagapamahalang
isang institusyon na maliwanagan ang isang kabatiran sa kahalagahan ng bawat
uri ng pagsusulit. At maipabatid ang isang paraan sa pagtuturo ng kaalaman
atkaangkupan sa sarili at sa pagpapahalaga sa kabutihan ng pag-uugali ng
isangtao. Gayon din ang makapagbibigay sigla sa mga mag-aaral na madagdaganang
kanilang kaalaman at upang lalong maging mabisa at masanay sasa ibat-ibang
lanrangan sa estado sa buhay ngtao.
Ang
pananaliksik na ito ay mahalaga at may malaking ambag para sa mga sumusunod:
Una ay ang mga estudyante, sila ang tuwirang benepisyaryo sa edukasyon, mga
estudyanteng nais pang pagbutihin ang
kanilang pag-aaral. Pangalawa ay ang School Administrator, makakatulong sa
pagpapabuti ng mga panuto, sa pagpapatupad ng mga patakaran at pagbibigay ng
gawi at iba pa. Pangatlo ay ang mga guro o instraktor, ang pananaliksik na ito
ay makatutulong sa mga guro lalo na sa pagtuturo at kanilang stratehiya.
Gayundin, sa pag-aaral na ito ay magsisilibing gabay upang mapabuti ang
kakayahan sa pagtuturo. Pang-apat ay ang mga magulang, isang pag-asa na ang
pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa pagbubukas mata ng magulang para
sa ana na lalo pang makapagbigay gabay at suporta ukol sa pagiging responsible
sa pag-aaral ng anak sa kanyang mga asignatura.
Saklaw at Limitasyon
Ang
pag-aaral ng mga paniniwala at gawi ng mga mag-aaral aynakakatulong sa kaalaman
ng paggamit ng kaalaman sa pagsusulit. Ang pag-aaral ay siyang napakalaking
tulong at ugnayan sa lahatng mamamayan sa Pilipinas. Ang mga paniniwala at gawi
natin aysiyang nagbibigay ng kaunlaran sa bansa, batay sa ating kultura at
kolektebongkaban ng karanasan ng mga tao sa ating kapaligiran, mahalaga rin sa
atingmamamayan na patnubayan at paunlarin ang ating naturang kaalaman sa
paraang pagsusulit at pagpapalawak nito.
Ang
Pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga paniniwala at gawi ng mgamag-aaral
sa iba’t-ibang asignatura na nasa antas ng tertiary. May kabuuan na 50 na
respondent, ang binigyan ng mgatalatanungan at itoy ipinasagot sa mga mag-aaral
sa iba’t-ibang seksyon (Panpacific University North Philippines) ngnabanggit na
paaralan sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan. Ang pag aaral na ito ay
higit na malaking tulong sa bawat mag aaral upang malutas ang kanilang
kahirapang hinaharap ukol sa mga pagsusulit na naisasagawa sa paaralan. Malalaman
din nila ang iba’t-ibang paraan upang malagpasan ang mga kahirapang ito. Nais
din ng mga mananaliksik na malutas ang mga kahirapang ito upang higit na
makatulong sa mga mag-aaral at mga stratehiyang nararapat na gamitin ng guro
para sa mga mag-aaral.
Depinisyon
ng mga Salitang Ginamit
Upang
lalong maunawaan ang pananaliksik na ito narito ang mga salitang ginamit sa
pag-aaral na binibigyang kahulugan ayon sa konsepto ng pagkakagamit nito at
ayon sa konsepto na pagkakagamit nito sa pag-aaral.
Edad- Ito’y nagbibigay kahulugan sa
taon ng mga sumagot o respondante na may hangganan ng taon mula labing-walo
hanggang dalawampung taong gulang.
Estudyante - Sila ang tuwirang
benepisyaryo sa edukasyon, mga estudyanteng nais pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Guro/Instraktor-Ang
pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro lalo na sa pagtuturo at
kanilang stratehiya. Gayundin, sa pag-aaral na ito ay magsisilibing gabay upang
mapabuti ang kakayahan sa pagtuturo.
Magulang-Isang pag-asa na ang pananaliksik
na ito ay magsisilbing gabay sa pagbubukas mata ng magulang para sa ana na lalo
pang makapagbigay gabay at suporta ukol sa pagiging responsible sa pag-aaral ng
anak sa kanyang mga asignatura.
Pananaliksik -ng pananaliksik ay isang
sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak
na paksa o suliranin.Ang ibig sabihin ng pananaliksik ay pagreresearch. Ito’y
karaniwang isinasagawa sa paaralan o sa pagdidiskubre ng mga bagay-bagay.
Pagkakakilanlan- Ito’y
nagbibigay kahulugan sa isang indibidwal na katangian at impormasyon ng mga
respondante gaya ng kanilang edad, kasarian, katayuan sa buhay at tirahan.
Pagsusulit- Ito’y sumusukat sa kaalamn
ng mag-aaral sa anyang pag-aaral sa eskwelahan.
Questionare- Ito’y nagbibigay kahulugan
sa instrumentong ginamit upang mangalap ng mga impormasyon mula sa respondante.
Respondante- Ito’y nagbibigay kahulugan
sa mga (1st year college students) mga estudyante ng Panpacific
University North Philippines na may iba’t-ibang kurso.
School Administrator-Makakatulong
sa pagpapabuti ng mga panuto, sa pagpapatupad ng mga patakaran at pagbibigay ng
gawi at iba pa.
Sa
mga kabataan.
Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila para
malaman ang mga problema at sanhi ng mga suliraninkahirapang hinaharap ng mag-aaral
sa pagsusulit.Ito rin ay tutulong sa kanila upang kanilang makuro na may
malaking kinakaharap na problema ang ating kabataan tungkol sa Edukasyon.
Sa mga
researcher
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makalikha pa siya ng
mga impormasyon at makagawa ang isang research na isang konklusyon na puwedeng
niyang ipaalam sa ibang tao upang mas maging laganap ang kaalaman ng mga tao
tungkol sa pag-aaral na ito.
Sa komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan na
maging bukas ang kanilang mga isip at makagawa
ng mga iba’t ibang kuro kuro para makatulong sa pagresulba sa
kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulit.
Kabanata II
Sa pag-aaral na ito, ang mga makabagong
metodolohiya na patuloy na napahahalagahan ay nakalap at nabigyang kasagutan
kung aling metodoo pamamaraan ang marapat gamitin ng mga guro upang makuha ang
atensyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Ang nasa ibaba ang binigyang basehan sa
paniniwala ng pag-aaral na sinaliksik ng mananaliksik upang maipabatid sa mga
guro ang lumabas na datos ng pangangalap ng kagamitan sa mga makabagong
metodolohiya.
Mga Kaugnay na
Pag-aaral at Literatura
Ang kabanatang
ito’y magprepresenta ng mga literature at pag-aaral mula sa kasalukuyan.
Tinutulungan nito ang mga mananaliksik sa pagbuo at pangangalap ng mga
impormasyon ukol sa pag-aaral.
Pinagsikapan ng mga mananaliksik na makapagbasa ng mga di-nailathalang
tesis, aklat, pahayagan, polyeto, magasin, at iba pang lathalain na may kaugnay
sa pag-aaral. Nagsuri din at nagsaliksik sa Aklatan ng Panpacific University
North Philippines. Sa mga nabasa, napatunayang may kaugnayan ang lahat ng mga
datos na nakuha sa pag-aaral sa lokal at mga literature na galing maging sa
labas ng bansa ukol sa pagsusulit.
Mula sa International na Pag-aaral. Ayon kay
Smith (1998:35) may katangian ang pagsasaulong puspusan sa mga letra onumero sa
pagsusulit. May relasyong dulot ito sa kasalukuyang pag-aaral sa dahilang ang
pagkakaroon ng dating karanasan ang makakatulong upang mapadali ang pagkatuto sa
pagbasa at ito ay binanggit sa kanyang pag-aaral.
Ayon pa rin sa pag-aaral ni Smith (1997:39) ang pagsusulit ay
napapaunlad sa pamamagitan ng pagtuuturo ng guro. Ang mga pag-aaral na ito ay
may dalawang eksperimento.
Ang una, may dalawang mag-aaral
edad labing walo na nagsagawa ng pagsusulit. Ang pagsususlit ay ginawa ng guro,
may isang nagbabasa ng malakas mula sa aklat ng isang minuto habang ang
mag-aarala ay nakikinig, pagkatapos ang mga mag-aaral ay pinababasa mula
dalawang minuto hanggang tatlong minuto habang ang guro ay nakikinig ng
tahimik. Hinahayaan ng guro na pabasahin ang mga mag-aaral ng malakas ng
kanilang sarili lamang.Ang pangalawa, isang mag-aaral edad dalawampuna hindi
masyadong marunong magbasa. Ang eksperimentong ito ay mayroong sangkap.Ang
batayan ay modelo at “error correction”, magbalik-aral at follow-up. Ang
batayan ng mga mag-aaral ay pinapabasa ng malakas ng guro ang mga bata ng isang
kwento, mga limang minuto, na mula sa aklat at hindi winawasto ng guro.
Sa isinagawang pag-aaral ni
Arabejo (2004:85) ang pagsusulit ay isang makabuluhang paraan ng pagkilala,
pagkuha ng ideya, at pagbibigay kahulugan sa mga simbolong nakalimbag at susing
magbubukas ng damdamin, kaalaman, at kaisipang nalikom ng tao. Ang pagsusulit ay
may dalawang uri ayon sa kanyang pagsasagawa nito: una, ang tahimik na
pagsusulit na isisnasagawa sa pamamagitan ng mga mata: at ikalawa, oral o
pasalitang pagsusulit sa mga nakalimbag na titik at pagsasatinig nito upang
maihatid sa tagapakinig ang mensahe ng may akda.
Mula din naman sa
National na Pag-aaral. Mula sa artikulong isinulat ni Gutierrez (1997:24),
maraming pagkakataon ng napatunayan na ang mabisang pagsusulit ay nagbubunga ng
isang mabisang interaksyon sa pagpapalitan ng kuro-kuro. Mula rin sa mabisang pagsusulit
magkakaroon ng mabisang paakaunawa sa mga aralin lalong higit sa pagkatuto sa pagsusulit
mga mag-aaral. Sinang-ayunan ng mga mananaliksik ang sinabi ni Gutierrez, dahil
sa kung hindi magkakaroon ng mabisang pagsusulit ang mga bmag-aaral ay hindi
maganda ang magiging resulta ng paghahanda sa pagsusulit ng panimulang pagbasa at wastong pagsasalita
ng wika.
Sinabi ni Baguio
(1995:433) na ang mabuting gawi sa pagsusulit ay dapat malinang sa simula pa lamang ng
pag-aaral. Ang wastong kilos ng mga mata sa nakalimbag na pahina ay malilinang
kung ang pagsusulit ay itinuturo upang makita ang mga ideya.
Maging ang mga salita ay makatutulong sa paglinang sa mabuting
gawi sa pagsusulit lalo na sa maaliwalas
na kapaligiran, kaya’t dapat sikapin ng guro na ang silid-aralan ay tutugon sa
ganitong pangangailangan. Bukod sa mga pagwawaksi sa mga bagay na makatatawag
ng atensyon mula sa aralin, maglalagay siya ng mga aklat sa kanyang tinuturuan.
Ayon naman kay Santiago (2000:136) ang layunin sa pagtuturo mula pagsusulit sa un,ikalawa,ikatlo at ikaapat na taon ay sumasaklaw sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkilala at pag-unawa, sa ikatlo at ika-apat na taon ay ang paglinang ng mabilisang kakayahan sa pagsususlit na may sapat na pagkaunawa; sa ikalima at ika-anim ay ang paglinang ng palagiang kawilihan sa pagbasa sa lalong maunlad na antas ng kanilang kakayahan. Ang mga kwentong napaplob sa mga babsahing aklat sa bawat taon ay dapat maiugnay o maibagay sa antas ng paglilinang ng mga mag-aaral tungo sa ikatatamo ng mga layunin.
Ayon naman kay Santiago (2000:136) ang layunin sa pagtuturo mula pagsusulit sa un,ikalawa,ikatlo at ikaapat na taon ay sumasaklaw sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkilala at pag-unawa, sa ikatlo at ika-apat na taon ay ang paglinang ng mabilisang kakayahan sa pagsususlit na may sapat na pagkaunawa; sa ikalima at ika-anim ay ang paglinang ng palagiang kawilihan sa pagbasa sa lalong maunlad na antas ng kanilang kakayahan. Ang mga kwentong napaplob sa mga babsahing aklat sa bawat taon ay dapat maiugnay o maibagay sa antas ng paglilinang ng mga mag-aaral tungo sa ikatatamo ng mga layunin.
Marami ring mga pag-aaral ang
naisagawa sa larangan ng pagsusulit at ang magagawa nito sa buhay ng tao.
Isa na dito ay ang
sinabi ni Aist at Mostow (2000:32) na nagpapaliwanag sa kabutihang makukuha sa
pamamagitan ng pagsusulit gaya ng pagkakaroon ng dagdag na kaalaman, mga ideya,
mga mithiin, at mga pangyayari sa nakaraan.
Sa pamamagitan ng pagsusulit, nararanasan ng bumabasa ang
pagbabago sa kanyang kapaligiran, mula sa pangalan, sa komunidad patungo sa
ibang daigdig. Ganito rin ang tinutukoy ni Carver (1994:413) nang sabihin niya
na sa buhay ay dalawa ang magagawang layunin ng pagsusulit: una, nagiging daan
ito upang magkaroon ng malinis at maraming impormasyon, at pangalawa, upang
matuwa at maligayahan ang isang tao sa pamamagitan ng pagsusulit.
Mula naman sa Lokal na
Pag-aaral. Sa ginawang pag-aaral ni Piscasio (1995:21) ang mga pagsasanay sa
paglinang ng mga ksanayan sa pagsusulit sa Filipino at iba pang mga Asignatura,
kanyang natuklasan na ang kakayahan sa isang bagay ay hindi natatamo sa isang
paraan lamang. Nangangailangan ito ng iba’t ibang pagsasanay upang ang
kinakailangang kakayahan ay matamo ng mga mag-aaral.
Sa ginawang pag-aaral na
ito na malaki nga ang tulong ng maagang kasanayan sa pagsusulit subalit sa
kasalukuyan nangangailangan pa rin ng mga makabagong teknik ukol dito na
kailangang sundin at pagbatayan.
Malaki nga ang nagagawang kabutihan
ng kawilihan ng pagsusulit ng isang tao. Kaya, napakahalagang malaman ng isang
guro sa pagsusulit ang mga paraan upang maituro niya ng mabisa ang mga aralin.
Katulad ng mga pag-aaral
na isinagawa ni Carver (1994), sa pasalitang pagsusulit ang pagsususring ito ay
tumutukoy din sa iilang kamalian ng mga mag-aaral sa nasabing linya. Sa
pagsusuri na isinagawa ni Santiago tinukoy niya ang mga layunin ng pagsusulit at
ang mga kinakailangang sangkap upang matamo ang isang maayos na pagsusulit na siya
ring mithiin ng pagsusuring ito.
Sa kabilang banda, di tulad ng pag-aaral na isinagawa ni Baguio (1995),
hindi binabanggit sa pag-aaral na ito ang kaugnayan ng kapaligiran sa
pagsusulit na pasalita ng mga mag-aaral.
Naranasan niyo na ba
na mahirapan sa pag-aaral at pagsusulitl ng isang leksyon dahil hindi kayo
nagtala, wala kayong libro, o kaya naman ay kinulang sa oras? Marahil ay oo ang sagot ninyo dahil lahat ng
mag-aaral ay siguradong makakaranas ng mga problema sa kanilang pag-aaral. Ang
bawat estudyante sa kolehiyo ay may iba’t ibang gawi sa pag-aaral. May iba na
mas komportable sa pagtatala sa klase, at ang iba naman ay mas komportable sa
simpleng pakikinig lang sa propesor. May mga estudyante na mas gusto ang
mag-isang nag-aaral at ang iba naman ay gusto ng kolaborasyon. May iba’t ibang
bagay na nakakaapekto sa pag-aaral ng estudyante tulad ng oras, kaibigan,
libangan at iba pa. Ang mga ibang mag-aaral ay nahihirapan sa lugar na maingay
dahil hindi sila makapagbigay ng atensyon sa kanilang ginagawa kaya isa sa mga
paraan ng mga mag-aaral ay ang pagpili o pag punta sa mas tahimik na lugar gaya
ng silid aklatan upang sila ay makapag-aral ng mas mabuti. Ang mga gawi sa
pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo ay maaring makatulong o makasama sa
kanilang pag-aaral kung kaya’t dapat ay bigyang pansin ito (Mcwhorter, 1983).
Ang mga estudyante sa kolehiyo ay may kadalasang
ginagawa sa pag-aaral na sa tingin nila ay nakakatulong sa kanila. Ang isa dito
ay ang pagtatala. Ang maayos at organisadong lecture notes ay lubos na makatutulong sa iyo upang maipasa ang
iyong kurso. Limitahan ang iyong mga notes
sa mga mahahalagang bagay lamang. Dapat ito ay konkreto at payak. Dapat ito ay
nakaayos batay sa pangunahing mga ideya at mga kaugnay na impormasyon. Ang mga
katangian ng mabisang pagtatala ay malinis, organisado, tiyak at payak, hindi
ubos oras, at may kabuluhan. Sa pagsulat nito, higit na mainam na gumamit ka ng
bolpen kaysa lapis. Mahalaga rin ang double
space o triple space upang maintindihan ang iyong sinusulat. Ang sobrang
espasyo ay makatutulong kung may mga dagdag impormasyon ka na nais isingit sa
pagitan ng mga pangungusap o ideya (Norman, 1976).
Bago pa muna mapunta sa pagtatala ng leksyon, ay
kinakailangan malaman at maintindihan muna ang istilo ng pagtuturo ng propesor.
Importanteng malaman ang grading system o ang balangkas ng grade at
alituntunin ng mga propesor. Kailangan ng matinding atensyon at dapat ay
sensitibo rin sa mga di-berbal na komunikasyon ng mga propesor, tulad ng eye
contact,pagbaba ng tono, binabagalan ang pagsalita, pagkumpas ng kamayupang maipakitang
mabuti ang punto, nagsusulat sa pisara o gumagamit ng projector,at nagpapamigay
ng handouts (Matte, 1995). Ang pagsusulat ng lahat ng takda ay nakatutulong
upang hindi mo makalimutan ang mga dapat mong gawin para sa susunod na araw.
Ang mga takdang aralin ay maaari mong ilagay sa isang planner or kahit sa isang
simpleng kwaderno. Hindi naman masyado mahalaga kung saan mo ito isusulat. Ang
mahalaga ay maitala mo ang dapat mong gawin at ang petsa kung kalian ito
kailangan. (Fleming, 2009)
May mga bagay na
nakakaapekto sa pag-aaral, ito ay ang edad, kasarian, kurso, at taon sa
kolehiyo. Ang edad ay nakakaapekto dahil sa pag-iisip ng isang estudyante. May
mga estudyante na hilig ang paglalaro na maaring makaapekto sa kanyang
pag-aaral. Ang kasarian ay nakakaapekto dahil ayon sa mga naunang pag-aaral mas
masipag mag-aral ang mga babae kumpara sa mga lalaki dahil sa mga libangan
tulad ng paglalaro sa kompyuter at paglalaro ng sports. Ang kurso ay
nakakaapekto dahil sa mga sabjek na pinag-aaralan. Pwedeng hatiin ang kategorya
ng kurso sa dalawa bilang kursong may kinalaman sa Sining at kursong may
kinalaman sa Siyensiya. Ang taon sa kolehiyo ay nakakaapekto din dahil sa
pagtaas ng kahirapan ng mga sabjek sa kolehiyo. Siguraduhin na ikaw ay
nakakakuha ng sapat na tulog, pahinga, at maging sa pisikal na pangangatawan.
Ayon pa sa aming mga nakalap na datos at iba pa.
Ang isang dahilan kung bakit nagiging mababa nahihirapan ang mga mag-aaral sa
pagsusulit. Sa ngayon, halos karamihan sa mga mag-aaral ang may kinahaharap nan
ganitong sukiranin sa pagsusulit. Milyong mga estudyante mula elementary
hanggang high school hanggang sa tersarya ang may kinakaharap na ganito.
Ang pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng guro
at mga mag-aaral. Ayon sa aklat na Facilitating Learning, ang mahusay na guro
ay may kakayahang gawing interaktibo ang kanyang klase. Ibig sabihin, ang mga
mag-aaral ay mayroong pagkakataon na makipagpalitan ng ideya sa guro at kapwa
mag-aaral. Ayon sa pag-aaral, lumalabas na ang talakayan ay nakapagbibigay ng makabuluhang pagkatuto at
makabagong karanasan sa guro at sa mga-aaral.
Sa pag-aaral na ito upang ihanda ang mga
mag-aaral sa pagsasalita, pagbabahagi ng kaalaman, mahusay na pag-aanalisa
attagapakinig na kung saan ang epktibong komunikasyon ay mabigyang-pansin ang
kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Kabanata III
Sa bahaging ito
nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa pagkakabuo at pagkakagawa
ng plano sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat disenyo ng pananaliksik, populasyon o
sampling na pamamaraan, instrumento at istatistiko ay nailahad din sa aabahaging
ito.
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Naghanda muna ang mga
mananaliksik ng mga talatanungan at pinasagutan sa mga respondente. Pagkatapos
ay pinag-isa ang mga magkakaparehong sagot. Kinuha ang bahagdan o porsyento ng
mga magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat tanong sa talatanungan.
Masusing pinag-aralan at ginawan ng
pagbubuod at konklusyon ang mga sagot ng mga respondente. Sa paraang ito ay nakuha ang pananaw ng mga
respondente ukol sa kahirapang kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulit. Ang
pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng
pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Survey Research Design,
na gumagamit ng talatanungan (survey questionare) para makakuha ng mga datos.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang angkop upang lalong mapadali ang
pag-aaral. Mapapadali
ang pagkuha ng datos mula sa mga naging respondent o sa mga sumagot ng sarbey
na isinagawa.
Nagbigay ako ng sampung (50) tanong sa bawat tao para sa isinasagawang
pananaliksik. Sa 15 talatanungan, hindi lahat ay umangkop sa aming pag-aaral. Ang talatanungan ay nagpokus sa pananaw
ng mag-aaral tungkol sa mga kahirapang
hinaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulit.
Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na tanong
ang pag-aaral na ito. Naghanda ng sarbey ang mananaliksik na naglalayong din
makangalap ng mga datos upang malaman ang presentasyon at damdamin ng mga respondente
sa pagkuha ng mga datos tungkol sa mga salik na naka-aapekto sa pagsusulit ng
mga mag-aaral at kung anu-anong mga suliranin ang maaring makaapekto sa kanila.
Bukod dito, ay nagsagawa din kami ng pangangalap ng impormasyon sa internet
upang makakuha pa ng iba pang mahahalagang karagdagang impormasyon ukol sa iba
pang mga suliranin. Kasabay nito, nakakakuha din ang mananaliksik ng mga impormasyon
tungkol sa iba’t-ibang kalagayan ng mga mag-aaral.
Ang pamanahong papel ay isa lamang paglalahad ng
epekto kung bakit may kahirapang hinaharap sa pagsusulit ang mga estudyante sa
iba’t-ibang asignatura, kaya naman hindi ito nangangailangan ng mga numerikal
na datos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang ang pamanahong papel ng wastong
pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa sarbey na sinagutan ng mga respondente. Mula
sa mga sagot na nakuha sa mga respondent sa pananaliksik o sa ginawang pag-aaral at mula
dito ay titignan ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga sagot. Sa
pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datos at impormasyon ay mabubuo ang
konklusyon at maaring mga maging rekomendasyon.
Sa kabanatang ito napapaloob ang mga pamamamaraang ginamit ng
mananaliksik upang makakuha ng sapat na impormasyon na kinailangan upang
maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Nakapaloob din ang mgahakbang na
isinakatuparan ng mananaliksik at mga pamamaraang istadistikang ginamit.
Ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik
upang makatipon ngmga datos ay ang survey method. Ang mananaliksik at nangalap
ng mgadatos sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan na kung saan ang mga
mag-aaral na nasa kursong edukasyon ay pumili ng mga angkop na metodolohiya sa
pagtuturo ng Filipino.
Dahil ninais ng mga mananaliksik ang pananaw ng
mga respondyante tanging ang questionnaire ang ginamit na instrumento upang
maisakatuparan ang pananaliksik.
Questionnaire. Ang pangunahing instrumento na
ginamit sa sarbey ay ang questionnaire. Ito ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang
unang bahagi ay patungkol sa persepsyon ng mga mag-aaral kung bakit may mga
kahirapang hinaharap sila sa pagsusulit.
Upang
maging malinaw ang presentasyon ng mga datos na nakalap, ibinagay ang istatistikal
na pamamaraan na naaayon dito. Istatistiks sa Unang Problema. Sa pag-analisa sa
uang problema ay giamanit ang pagtally at percentage. Sa mga katanungan,
hinihingi ng sarbey na makuha ang kasagutan ng bawat respondante sa pormang OO
o HINDI. Pinagtally ang lahat ng kasagutan ng mga mag-aaral at nakuha ng mga
mananaliksik ang kabuuang mga bilang ng sumagut ng OO at HINDI. Pagkatapos nito
ay kinuha rin ang porsyento ng mga
sumagot sa
bawat opsyon upang mas mapadali ang pagtalakay ng resulta.
Istatistiks
sa Ikalawang Problema. Sa ikalawang problema ay naging dominante ang paggamit
ng median o ang madalas na lumabas na aytem sa sarbey na isinagawa.
Istatistiks
sa Ikatlong Problema. Ang pagtally at percentage din ang ginamit ng mga
mananaliksik upang alamin ang tiyak na bahagdan ng mga mag-aaral na may
kahirapang hinaharap sa pagsusulit.
Ang
napiling mga respondante sa pananaliksik ay ang mga mag-aaral sa Panpacific
University north Philippines. Sila ang napiling populasyon dahil ninais ng mga
mananaliksik na makuha ang kanilang saloobin sa kahirapang hinaharap sa
pagsusulit.
Random
sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagkuha ng mga respondante. Nangangahulugan
ito na lahat ng mga mag-aaral sa unang taon ay mayroong pantay-pantay na
pagkakataon upang sumagot sa sarbey. Ang mga mag-aaral sa unang taon ay
nahahati sa maraming seksyon. Ang bawat mag-aaral na sumagot ay may kabuuan na
50 mag-aaral, 50 lamang ang random na napili upang maging respondyante sa
sarbey na katumbas na rin ng iba’t-ibang seksyon. Dalawamput siyam rito ay
babae at dalawamput isa rin ang lalake.
Sa
kabanatang ito makikita ang maraming paraan na isinagawa ng mga mananaliksik at
sa tulong na rin ng mga respondante na sumagot ng sarbey upang mapunan ang
pananaliksik na isinasagawa ng mga mananaliksik.
Ninanais na maresulba ng mananaliksik ang
kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulit upang matulungan sila at
ang mga stratehiyang dapat isagawa ng mga guro sa pagtuturo.
Kabanata IV
Legend:
1:
Kompyuter - 20%2: Cellphone- 20%3: Makabagong Teknolohiya- 10%4: Mga Kaibigan-
30%5: Telebisyon- 10%6: Pag-ibig- 5%7: Problema sa pamilya- 5%
Sa
limampu(50) na estudyanteng binigyan ng sarbey, halos lahat silaay nagsasabing
kompyuter ang madalas umagaw ng kanilang atensyon. Sadami ng mga computer
addict at parami ng parami ang mga nagigingcomputer games ‘di nakapagtatakang
Kompyuter ang unang bagay naumaagaw sa atensyon ng estudyante.
Mga dahilan kung bakit nahihirapan sa pag-aaral angilang
estudyante
|
1. katamaran sa pag-aaral
maraming bagay na kumukuha ng atensyon
nila3. hindi naiintindihan ang tinuturo ng mga guro4. (sa kolehiyo) hindi
nagtuturo ang ilang propesor5. may mga problema silang kinakaharap6. hindi
kayang balansihen ang kanilang oras<
|
Ayon
sa talaan na nasa itaas, makikita dito na ang nauunang dahilanng mga estudyante
ay ang katamaran. Mas nagiging tamad dang ilangestudyante ngayon kaysa noon.
Hindi maaring maging dahilan angkatamaran sa pag-aaral.
Ilan
pang mga katanungang nakapaloob sa sarbey
Tanong
|
|
|
|
|
|
|
|
Kabanata V
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
Ang maipapayo ng mananaliksik sa mga susunod
na mananaliksik ay lakihan ang Limitasyon ng pag-aaral na hindi lamang sa
sariling eskwelahan, pati na rin sa iba pang mga unibersidad upang mas maging komprehensibo
ang pag-aaral. Maging mas masinop din sa mga impormasyon sa pamamagitan ng
paggamit ng mga “reference” kung saan gaganapin ang pagaaral.
Kinakailangan din na may kakilala ang
mananaliksik na nagtatrabaho sa mga opisina ng mga eskwelahan, partikular na sa
“Dean’s Office” kung saan napakaraming impormasyon ang makakalap.
At maging magalang din sa lahat ng mga
tutulong sa mananaliksik o kung sino mang makakasalamuhang mga tao dahil sila
ay makakatulong ng malaki sa pag-aaral o sa pananaliksik.
Ang napakahalagang implikasyon ng pagkakaroon ng “incomplete” na marka ng mga estudyante ay ang pagiging pabaya nila sa mga kursong “incomplete” sila. Sapagkat kung talagang pinahahalagahan nila ang kursong ito, hindi nila ito babaliwalain bagkus, tutuunan pa nila ito ng pansin.
Ang napakahalagang implikasyon ng pagkakaroon ng “incomplete” na marka ng mga estudyante ay ang pagiging pabaya nila sa mga kursong “incomplete” sila. Sapagkat kung talagang pinahahalagahan nila ang kursong ito, hindi nila ito babaliwalain bagkus, tutuunan pa nila ito ng pansin.
Nakita sa resulta ng survey na halos “minor
subjects” ang may incomplete ang mga estudyante. Hindi sapat na dahilan ito
upang huwag nang buhusan ng panahon ang mga kursong ito sapagkat parte pa rin
sila sa humuhobog, hindi lamang sa utak o pag-iisip ng maga estudyante, kung
hindi pati na rin sa kanilang mga personalidad. Maaring hindi pa nakikitaan ng
mga estudyante ang halaga ng mga kurong ito ngayon, pero lahat ng pinag-aaralan
o kurso na kinukuha ng mga estudyanate ngayon ay may malaking tulong sa buhay
na haharapin ng mga estudyante sa labas ng apat na kanto ng eskwelahan at sa
pagharap sa totoong buhay na naghihintay sa kanila.
Kailangan ay alam ng mga estudyante kung
paano gugugulin ng wasto ang kanilang oras upang maiwasan ang pagkakaroon ng
“incomplete” na marka. Inihahalintulad ng mananaliksik ang oras sa pera, na
napakahalaga at konti lamang sa bilang. Kung gugugulin lamang ang oras sa
walang saysay na mga gawain ay masasayang lamang ang panahon na sana ay nagamit
sa paggawa ng mas importanteng mga bagay tulad ng mga takdang aralin, proyekto,
o pag-aaral para sa mga pagsusulit.
Napakalaking abala ang pagkumpleto ng
requirement sa isang “incomplete” na marka, hindi lamang sa parte ng
estudyante, kundi sa propesor narin.
Ang lahat ng ito ay nag-uugat lamang sa isang
sanhi, at ito ay ang pag-aaral ng mabuti. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng
mabuti, walang makakaligtaang proyekto o takdang aralin sapagkat alam ng
estudyanteng masipag mag-aral ang kanyang mga prioridad, mga dapat at hindi
dapat gawin, at ang mga mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.
Mahalaga na sa kahit anumang edad ay patuloy
pa rin ang ating pag-aaral ng iba't ibang bagay na makakatulong para lumago at
umunlad ang ating kabuhayan. Ito ay hindi lamang sa mga bagay na may kinalaman
sa trabaho - kundi maging sa kalagayan ng pagsasama ng mga miyembro ng pamilya
o kaya'y sa pagpapatakbo ng buhay, aspetong sosyal, pangkultura, pampolitika o
kaya'y pangkabuhayan o pinansyal.
Ang mananaliksik ay napag-alamang nasa mga metodolohiyang
ginagamit ng bawat guro ang interes ng mga mag-aaral upang mag-aral at
magkaroon ng makabuluhang pagkatuto. Ang mananaliksik ay nagbibigay lamang ng
mga datos kung paanong ang mga mag-aaral na may kahirapang hinaharap sa
pagsusulit, sa mga magulang at sa mag-aaral na makipagtulungan sa mas higit
naikauunlad ng pagtuturo at maitaas ang kalidad ng pagkatuto hanggang sasusunod
pang henerasyon. Ang metodolohiyang lumabas sa pag-aaral ay dapat na malinang
sa mga tagapagturo ng kaalaman upang ito ay mapakinabangan sa pamumuhay ng mga
nagnanais na magtagumpay.
Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa
mga problemang pang-edukasyon ng mga mag-aaral, kung anu-ano ang mga dahilan
kung bakit nagkakaroon nito at mga epekto kung ito’y nakakabuti o nakakaganda
sa isang mag-aaral. Para sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga tanong na magbibigay
at maglalahad ng mga kanya-kanyang propisisyon at kuro-kurona nanggaling sa
aming nasarbey.
Nirerekumenda ng mananaliksik ng pag-aaral na ito
na magkaroon ng isang mas epektibong pag-aaral pa sa mga problemang
pang-edukasyon upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman at isipan ng mga
mag-aaral tungkol na rin sa mga kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa
pagsusulit. Sa pananaliksik na ito malalaman ang mga kasagutan
at dapat malaman ng mga mag-aaral sa kahirapang kanilang kinahaharap.
Hello po! Pwede po bang matanong kung pwede ko itong gamitin bilang Referensya sa FILI12? at kung oo, ano po ang pinaka-pamagat ng inyong pah-aaral> Salamat.
TumugonBurahinHi po. Gagamitin ko po sana itong thesis mo for reference/Citation para sa Filipino 2. Internet source po kasi kailangan. Thank you. :)
TumugonBurahinHi po pwedeng gamitin ko po para sa tesis namen sa filipino...maraming salamat ate��
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinthanks
TumugonBurahinGood eve po. Pwede ko po ba icopy at gagamitin pong basis sa ginagawa ko pong research. Thanks po . More power and Godbless po.
TumugonBurahinMagandang hapon po, pwede po kayang malaman ang title ng thesis na yan? salamat po. gamitin ko lang sanang reference. thanks po. kung ok lang po sa inyo, send nyo na lang po yung title sa email ko... maylenecedeno@gmail.com
TumugonBurahinpwede po bang gawing reference ito para sa thesis po namin sa FILIPINO, gagawin ko lang naman pong basis kung pwede po maraming salamat po ng marami.
TumugonBurahinMaaari po bang malaman kung ano ang pamagat ng thesis na ito? at magamit bilang reference sa aming thesis maraming salamat po :)
TumugonBurahinSana po ay makapagreply kayo ng mas maaga. kasi po kailangan na maraming salamat
BurahinHi po, pwedi po bang gamitin ang ginawa niyong thesis , need ko na po eh 😪 Thank u po sana mabasa niyo to 😓😞😣
TumugonBurahinpwede po bang gamitin tong reperensya para sa thesis namin maraming salamat po
TumugonBurahinPwede po ba naming itong gawing reference? Kailangan lang po namin ng basis para sa research namin. Thank you po😐
TumugonBurahinPwede po ba naming itong gawing reference? Kailangan lang po namin ng basis para sa research namin. Thank you po😐
TumugonBurahinauthor gagamitin po namin itong thesis niyo as reference/ citation sa Pagbasa subject namin.
TumugonBurahinpwede bang gamitin ito bilang reference? ano po pamagat nito? at ano po complete name ng reseacher?
TumugonBurahinPwede po bang gamitin to para sa among related letirature? Marami pong salamat..
TumugonBurahin